God is reminding us today!

God is reminding us today!

Tuesday, December 17, 2013

Sana Sa Pasko

Reflecting on: Matthew 11:2-11



 EXPECTATIONS.
8 DAYS NA LANG, PASKO NA NAMAN!

Sometimes, we need to look from afar to see some of the things which we should see, yet we do not notice.

One time, trip trip ko lang, sinubukan kong panoorin ang pagiging abala ng maraming tao  habang naghahanda ng kung anu-anong pampasaya ng pasko.  Ang sarap nilang tingnan, nakaka-touch kasi yong iba, kahit na barya na lang ang natitira, pipilitin pang bilangin, makumpleto lang ang pan-regalo para sa mga mahal sa buhay. 

Sa kalagitnaan ng pagmamasid ko at pakikiramdam, nakita ko sila ulit, ang “Project 50” ko months back.  Ganon pa din, nakaupo sa isang sulok, naghihintay na may pumansin at may mag-abot sa kanila ng kung anong tirang pagkain.  Halos isang oras kong hinintay na may pumansin man lang sa kanila, pero parang nadurog na lang ang puso ko sa pag-iyak ng maliit na bata, kalong ng kanyang ate na wala namang magawa kundi tumingin sa bawat lumalabas sa pinto ng Jollibee.

Sana, kung papansinin lang natin ang pakiramdam na gusto ko po sanang i-share sa inyo sa pagkakataong ito, maging ka-parte din po sana sila ng ipaghahanda natin sa kung anong paraang maiisip natin. 

Ang maghintay ng hindi mo alam kung hanggang kalian …?
Ang umasa na mai-enjoy mo ang mga “sana” at the back of your heart …?

Ang i-convince ang sarili na darating din ang panahon na hindi mo na kailangang umasa …?

‘yong habang umaasa ka, kasabay di non na merong umaasa ng kung ano galing sayo! 

Maikling mensahe po sa sana ni God ito, tunay na paghahada para sa totoong kahulugan ng PASKO.
Let us be aligned with what God desires. #

No comments: